Bolinao, Anda positibo na rin sa red tide

POSITIBO na sa rin red tide toxin ang mga shellfish na nakukuha mula sa coastal waters ng Bolinao at Anda sa Pangasinan.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito ay batay sa shellfish bulletin no. 4 na ipinadala sa kanila ng Bureau of Aquatic Resources and Fisheries (BFAR).

Bunsod nito, mahigpit nang ipinagbabawal ng DOH ang paghuli, pagbebenta at pagkain ng mga shellfish sa naturang lugar dahil hindi na ito ‘fit for human consumption.’

“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the area are NOT SAFE for human consumption,” anang shellfish bulletin.

Gayunman, nilinaw nito na ligtas naman kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango ngunit kinakailangang ito’y sariwa, nahugasang mabuti at natanggalan ng hasang at bituka bago lutuin.

Bukod naman sa Bolinao at Anda ay nananatili pa ring positibo sa paralytic shellfish poison ang mga shellfish na inaani sa Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental, Masinloc Bay sa Zambales, Bataan coastal waters (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal), Matarinao Bay sa Eastern Samar, at Wawa, Bani sa Pangasinan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply