Bomba sumabog: 1 patay, 3 sugatan sa Malabon

ISA ang nasawi habang tatlo ang sugatan makaraang naghagis ng isang improvised bomb ang isang hindi nakilalang lalaki sa Malabon City.

Nagtamo ng mga tama ng shrapnel ang nasawi na si Rodrigo Mejica sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na idineklarang dead on arrival sa Manila Central University hospital sa Caloocan City.

Habang nakilala ang mga sugatan na sina Ric Sonja, Kathy Santos at isang 16-anyos na babae na isinugod din sa naturang ospital.

Ayon sa nakasaksi, sakay ng motorsiklo ang suspek nang ihagis ang bomba ngunit bigo namang mailarawan ito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply