Bonding moment ng tatlo naging madugo

PARE-PAREHONG nakipag-bonding kay kamatayan ang tatlong katao matapos silang ideklarang dead on arrival sa pagamutan kasunod ng aksidenteng kanilang sinapit kaninang madaling-araw sa lalawigan ng Agusan Del Norte.

Base sa impormasyong ibinahagi ni PNP Spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz, Jr.,  pawang hindi umabot ng buhay ang mga biktimang sina  Glaida Guitirigan,18, residente ng New Asia, Butuan City, Ronald Napare, 26, na naninirahan sa P8 Brgy. Obrero at ang hindi pa nakikilalang driver ng Honda wave single motorcycle na kanilang sinasakyan.

Sa report, naganap ang sakuna bandang alas-4:00 ng madaling-araw sa national road ng Buenavista, Agusan del Norte.

Nabatid na galing sa isang restobar ang mga biktima at nagpasyang ituloy ang kanilang masayang bonding moment sa pamamagitan ng paliligo sa dagat.

Subalit habang tinatahak nila ang daan patungo sa beach ay sinalpok ng kanilang sinasakyang single motorcycle ang isang nakaparadang Isuzu forward vehicle na may kargang scrap. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply