Boses n’yo isigaw n’yo

NOONG isang araw ay nakatanggap ang TRANSPORTER ng ganitong text message mula sa isang pangulo ng Tricycle Operators and Drivers’ Association o TODA na ganito ang sinasabi: “Gaano katotoo ang balitang tatlong buwan ang itinatagal o inaabot sa tanggapan ng CTMDO ang pagproseso at pagre-release ng prangkisa?”

Ang CTMDO ay ang City Traffic Management and Development Office.

Ang tinutukoy sa partikular na tanong na ito ay ang CTMDO ng siyudad ng Marikina.

Kaya tinatawagan po natin si Marikina CTMDO chief Engr. Rommel Felipe upang sagutin at linawin sa ating mga kapatid sa hanapbuhay ang isyung ito.

Bukas ang kolum na ito sa inyong paliwanag, hepe.

Sana ay agad ninyong matugunan ang mga problema o alalahanin ng mga drayber ng iba’t ibang sasakyang pang-komyuter sa siyudad.

Para sa inyong mga opinyon tungkol sa naisulat sa kolum na ito o balita ukol sa transportation o may mga kwento, hinaing o reklamo tungkol sa awtoridad at mga nasa sektor mismo, tumawag o mag-text lamang sa mobile number na 09177324514.

Ibig nating makatulong sa malalaki at maliliit na problema ukol sa isyu ng transportasyon, mga ‘tol.

Sa totoo lamang ay maraming nagpapadala sa ating seksyon na tinatawag nating “Boses Mo, Isigaw Mo” noong isang buong pahina pa ang nakalaan sa TRANSPORTER.

Sa malas nga lamang ay nalimitahan ang espasyo ng seksyong “Pinoy Transporter” nang mabawasan ang bilang ng pahina ng dyaryong ito.

Gayunpaman, pagsusumikapan nating maipahatid sa mga kinauukulan (at kung kailangan ay direktang aksyon ang ating isasagawa) ang inyong hinaing na nagmamakaawa ng solusyon.

Dapat tandaan na hindi limitasyon ang espasyo sa inyong pagpapahayag ng mga isyu ukol sa sektor ng transportasyon.

Ang inyong boses ang dapat marinig sa bawat usaping kinasasangkutan ninyo bilang mga manggagawa ng transportasyon.

Kaya nga’t kung may boses kayo, mga ‘tol, at may opinyon, sige, isigaw n’yo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply