Botohan sa probable cause vs del Castillo sa Martes

PAGBOBOTOHAN na sa Martes, February 21, ng House Committee on Justice ang “probable cause” sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo.

Ito ay sa kabila ng matinding pagtutol ng minorya sa gagawing botohan sa pagsasabing lumipas na ang 60 araw ng sesyon na itinakda sa batas.

Subalit naninindigan si Iloilo Rep. Niel Tupas, chairman ng  House committee on justice, na hindi na mapipigilan pa ang komite na gawin ang pagdetermina sa probable cause  dahil hindi pa aniya natatapos ang 60 araw na palugit sa komite kung kaya may hurisdiksyon pa rin ang komite rito.

“As of the moment, the panel is scheduled to push through with the determination of probable cause and we have not yet reached the limit (sixty session days),” paliwanag ni Tupas.

Agad namang sinopla ni House Deputy Minority Leader at Zambales Rep. Ma. Milagros “Mitos” Magsaysay si Tupas sa lantaran aniyang pagpapalawig sa 60 araw dahil abala aniya ang mga kongresista sa pagdalo sa Senado sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply