‘Bourne Legacy’ star Jeremy Renner, aide hinarang sa NAIA

KINUMPISKA ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 ang posporo na pag-aari ng aide ni “Bourne Legacy” lead actor Jeremy Renner nang paalis sa bansa kanina.

Nagpaliwanag si David Cox sa security inspection at sinabi na nakalimutan niyang tanggalin sa kanyang back pack ang posporo sa pagmamadali.

Ang dalawa ay dumating sa paliparan para mag-check in sa Korean Airlines flight KE-622 na umalis dakong alas-12:15 ng tanghali patungong Estados Unidos.

Umabot sa 15 minuto bago nakalusot sa security inspection sina Renner at Cox kung saan pinagkaguluhan ito ng mga pasahero at mga kawani sa NAIA terminal 1.

Ayon sa ilang security personnel sa final security check, napansin ang imahe ng posporo sa back pack ni Cox kaya hiniling ng security personnel na mabuksan ang kanyang bag.

Nang mabulatlat ito, tumambad ang posporo na gamit ni Cox na isa palang smoker. Ayon pa sa isang aviation police, mahigpit na ipiangbabawal sa loob ng eroplano ang posporo.

Nabatid na mahigit sa 40 araw na nanatili si Renner sa bansa para sa shooting ng “Bourne Legacy.”

Bukod kay Renner, ang ilan pang kilalang cast ng pelikula ay sina Edward Norton, at Rachel Weisz.

Ang Bourne Legacy ay ang ikaapat na spy fiction thriller na isinulat ni Eric Van Lustbader.

Ang una ay ang Bourne Indentity, Bourne Supremacy at Bourne Ultimatum na pinagbidahan ni Matt Damon.

Ang naturang pelikula ang naging sanhi ng pagsisikip ng trapiko sa ilang lugar sa Metro Manila dahil isinagawang shooting.

Bukod sa Metro Manila, kinuhanan din ang ilang lugar sa Palawan para sa pelikula.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply