Boy Chowawa nasalisihan ni Boy Popoy sa TV personality

KUNG may taong magaling mang-scoop, walang iba kundi itong si Boy Popoy.

Akalain mong nasalisihan niya si Boy Chowawa sa isang TV personality na pareho nilang pinagpapantasyahan.

Sa nakalap na impormasyon ni matang kuwago ng Remate, parehong sumama sa isang okasyon ng Pangulo sa labas ng bansa ang dalawa subalit dahil sa kailangang laging nakabuntot si Boy Chowawa kay PNoy, sinamantala naman ni Boy Popoy ang pagkakataon.

Habang busy si Boy Chowawa kay PNoy, busy naman si Boy Popoy sa TV personality.

Naroong nag-tour  pa silang dalawa na parang bakasyunista sa bansang kanilang pinuntahan.

Nagawa rin nilang magpa-picture nang super close sa isa’t isa at ang saya-saya pa nila habang kumakain at kahit sa coffee date nila.

Sa mata tuloy ng ibang mga kasama nila, mistula silang turista o ‘di naman kaya ay nagha-honeymoon.

Ang malupit pa nito, inihatid pa ni Boy Popoy sa mismong kuwarto ang TV personality.

Hindi lang alam ng ating sumbungero kung ano ang ginawa ng dalawa sa loob ng kuwarto.

Kapapanganak lang ng asawa nitong si Boy Popoy at sinamantala naman nito ang pagkakaroon ng problema sa pamilya ng TV personality.

Hindi po sila mga K-9 sa Palasyo ng Malakanyang kundi sila’y mga bataan ni PNoy na magaling lang magtaksil sa asawa at sumalisi sa pag-aari ng iba.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply