Boy ulit sa Senado

KILALA ninyo ba ang tanyag na si Boy Ulit sa Senado?

Kung hindi pa basahin ninyo ang teleseryeng ito.

Isang araw, nanonood si matang kuwago ng Remate sa sesyon ng mga mambabatas, akalain mo na dalawang beses tumayo sa podium si Boy Ulit at sa kanyang dalawang beses na pagtayo ay iisa lang naman ang kanyang sinabi at inulit lang ang kanyang tanong.

Para hindi mahalata na pareho ang kanyang sasabihin ay gumamit siya ng wikang English noong una at sa ikalawa naman ay wikang Filipino.

Biruin mo, ginawa pang mga ignorante at hindi nakapag-aral ang lahat ng Filipino. ‘Di ba pang-iinsulto ito.

At tila yata hindi napansin ito ng mambabatas o sina­sadya lang niya para masabing may silbi at tumatayo siya.

Ang pinakamalupit ay nasasayang lang ang oras dahil sa paulit-ulit na parang tape recorder na ginagawa ng mambabatas.

In fairness to him, may kuwenta at value naman ang kanyang sinasabi kaso paulit-ulit lang.

Sa huli nga maging ang kanyang kapwa mambabatas ay naasar at nagu­guluhan na rin dahil sa kanyang kakaibang asal o baka naman nainsulto rin ang mambabatas na ito.

Ating pakatandaan na hindi lahat ng naihalal na mambabatas ay nakatapos ng kanilang pag-aaral.

Clue: Kilala ang mambabatas na ito sa pagiging kuripot.

Patunay ang pagpatawad maging sa mga kontribusyon gayong alam ng lahat na marami siyang pera at nanalo sa nakalipas na halalan gamit ang pangalan ng asawa niya.

May letrang P sa kabuuan ng kanyang pangalan as in palengkero kasi naisyu na rin siya sa babae na kung saan may anak  umano siya sa dati niyang staff.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply