BPI manager maagang napaanak dahil sa impeachment

SINASABING dahil sa stress sa pagdalo sa impeachment proceeding kaya maagang nanganak si BPI Ayala branch manager na si Leonora Dizon.

Kanina ay hindi na nakaharap sa pagpapatuloy ng paglilitis sa kaso ni Chief Justice Renato Corona si Dizon na nakatakda sanang sumalang uli sa paglilitis.

Dahil dito, isang kinatawan ng BPI na ang gagawing substitute witness.

Sa impormasyon, alas-7:45 ng umaga kanina nang isugod sa pagamutan si Dizon nang makaramdam ng pananakit ng tiyan.

Ikinagulat naman ng mga tagamasid ang panganganak ng nasabing testigo dahil kahapon ay nagawa pa nitong humarap sa impeachment court.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply