Bryant iniligtas ang Lakers

NAGPASAHAN sina star player Kobe Bryant at Metta World Peace upang makalusot sa kanilang mga bantay at hablutin ang 94-92 panalo ng Los Angeles Lakers laban sa Toronto Raptors sa 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

Angat ang Raptors, 89-90 may 56 segundo na lamang ang nalalabing oras sa final canto subalit nabigayn ng magandang pasa ni Bryant si Peace para sa 91-90 kalamangan ng Lakers.

Naagaw muli ng Raptors ang lamang, 92-91 matapos bitawan ni Jose Calderon ang bola sa 17-foot pullup jumper may 16 segundo na lang sa orasan.

Sa sumunod na play, si Peace naman ang nag assist kay Bryant para itarak ang
93-92 pabor sa LA may apat na segundo na lang sa oras.

“I just noticed a spot open on the baseline,” pahayag ni Bryant. “Everything was set for me to try and catch it down there because I knew I could catch and shoot.
If I go to the top of the floor the defense can kind of key on me and I’m far away from the basket. Once I noticed that space open it was just a matter of me trying to shake DeRozan and get to that spot.”

Na in-bound violation naman ang Raptors kaya sinelyohan na ni Bryant ang laro matapos ipasok ang isa sa dalawang freethrows nito.

Kumana si Bryant ng 27 puntos at tig dalawang rebounds at steals habang siyam na puntos at tig dalawang boards at assists ang ginawa ni Peace.

Sumegundo sa opensa para sa Lakers si Pao Gasol na may inambag na 16 points, 17 boards at anim na assists.

“When you’ve got a guy like Kobe Bryant, you’re always going to give yourself a chance,” sabi ni Lakers coach Mike Brown.

May 16-12 panalo-talo karta na ang Lakers upang manatiling nasa segundo puwesto sa Pacific division habang lubog ang Raptors sa Atlantic division na may 9-20 win-loss slate.

Sa ibang NBA resulta, inihaw ng Miami Heat ang Atlanta Hawks, 107-87 habang kinatay ng Boston Celtics at Chicago Bulls, 95-91.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply