BSP aapela sa ruling sa kaso ng BF

IAAPELA ng Bangko Sentro ng Pilipinas (BSP) ang pinakahuling desisyon ng Court of Appeals na nag-uutos sa muling pagbubukas ng Banco Filipino (BF) Savings and Mortgage Bank.

Ayon kay BSP Deputy Governor and General Counsel Juan de Zuniga Jr., kasalukuyan nang pinag-aaralan ng kanilang mga abogado ang CA ruling at pinaghahandaan ang mga posible nilang opsyon.

Batay sa January 27 ruling ng appellate court, idinideklara nitong labag sa batas ang paraan ng pagkakasara ng bangko dahil sa ilang isyung teknikal.

Pinagbigyan ng korte ang petition for certitorari and mandamus na inihain ng BF sa dahilan na hindi nabigyan ng due process ang bangko nang isailalim sa receivership.

Iniutos din ng CA ang pagpapatupad ng rehabilitation plan para matiyak na mabilis na makababawi ang BF mula sa negatibong sinapit nito dahil sa ilegal na pagpapasara.

Binigyan ng 30 araw ng CA ang BSP at Monetary Board para pagkalooban ang bangko ng financial assistance sa halagang nakasaad sa business plan para sa nabanggit na bangko. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply