BSP: ‘Di na-audit ang bank account ni Corona sa PSBank

ITINANGGI ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na isinailalim nila sa audit ang kontrobersyal na bank account ni Chief Justice Renato Corona sa Philippine Savings Bank (PSBank) Katipunan branch na siyang dinidinig sa impeachment trial.

Ito ang naganap sa isinasagawang imbestigasyon ni Senador Sergio Osmaña III, Chairman ng Senate committee on bank, financial institution and currencies dahil sa akusasyon na maaaring ang BSP o kaya ay ang Money Laundering Council (AMLC) ang nag-leak sa prosekusyon ng mga impormasyon sa bank records ni Corona matapos ang ginawang audit.

Iginiit ni BSP audit team head Atty. Elmer Damasco na walang na-audit ang ahensya mula sa mga bank accounts sa PSBank Katipunan branch na kinaroroonan ng bank records ni Corona.

Ayon naman kay Jerry Leal ang bank examiner ng BSP, umabot sa 112 na bank account ang nasiyasat nila mula sa PSBank ngunit hindi kabilang dito ang Katipunan Branch sa halip mula lamang sa central office nito at Binondo branch.

Subalit, iginiit ni PSBank President Pascual Garcia, na may dalawang bank account ang naisumite nila sa BSP mula sa Katipunan branch.

Isinagawa ni Osmeña ang imbestigasyon dahil na rin sa nabunyag sa impeachment court ang mga bank account ng punong mahistrado.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply