BuCor chief kinasuhan sa DOJ

PORMAL ng kinasuhan sa Department of Justice (DoJ), si Bureau of Corrections (BuCor) Dir. Gaudencio Pangilinan kaugnay sa nagaganap na anomlaya sa loob ng New Bilibid Prison.

Si Dir. Pangilinan ay kinasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 9184 o ang Government Procurement Act.

Batay sa alegasyon, tinatayang aabot sa halagang P16 milyon catering service contract ang inaprubahan ni Pangilinan kahit wala itong pahintulot mula ka Justice Secretary Leila de Lima.

Bukod dito, kinuwestyon din ang desisyon ng BuCor Director na pumasok sa renovation contract na tinatayang aabot naman sa P1.4 million kahit walang public bidding na isinagawa.

Gayunman, sinabi ni Pangilinan na may auditor ang BuCor na nagpapatunay na walang anomalyang naganap sa nasabing proyekto at ito ay dumaan sa tamang proseso.

Kaugnay nito, tiniyak ng opisyal na nakahanda siyang humarap at sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya sa tamang forum.

Kabilang din sa mga iniimbestigahan ngayon ng DOJ ay ang umano’y “VIP treatment,” prostitution at corruption sa NBP na lumala sa ilalim ng pangangasiwa ni Pangilinan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply