Bumbero napilayan sa pagresponde sa sunog

NAPILAYAN ang isang bumbero matapos ma-shoot sa imburnal habang rumeresponde sa sunog sa Navotas City kagabi (Pebrero 24).

Iika-ika pa nang palabasin sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng pinsala sa tuhod si SFO4 Joselito Dugan, bumbero ng Navotas Fire Station.

Ayon kay SFO2 Jose Bajado, dakong alas-8:00 ng gabi nang mag-short circuit ang kuryente ng bahay ni Ruth Balite sa F. Ablola st., Tangos ng lungsod na naging dahilan upang kumalat ang apoy.

Nadamay ang 15 kabahayan kung saan nagkaroon ng kaguluhan nang pagbabatuhin ng mga nasunugan ang mga rumespondeng ang mga bumbero.

Nagkagulo rin nang agawan ng mga residente ng hose ang ilang bumbero na naging dahilan ng tulakan hanggang sa masaktan ang ilang bumbero at residente.

Dahil sa dilim ay hindi napansin ni Dugan ang imburnal at nahulog kung kaya dinala sa JRMMC.

Dakong alas-8:30 nang maapula ang sunog. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply