Bumugbog sa traffic enforcer tugisin– Chiz

HINDI pinalampas ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang pambubugbog ng ilang illegal races sa Macapagal Ave., Pasay City sa isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos silang sitahin nitong Sabado (Pebrero 18).

Sa ipinalabas na pahayag ngayong araw, sinabi ni Escudero na kailangan madakip kaagad ng Philippine National Police (PNP) ang bumugbog kay Raul Reoteros, traffic enforcer ng MMDA na nakatalaga sa kahabaan ng Macapagal Ave.

“This act of aggression from law breakers must not be tolerated and our PNP must track down these individuals so that proper charges could be filed against them, whoever they may be or whoever their parents may be,” ayon kay Escudero.

Lubhang sugatan si Reoteros sa pambubogbog ng mga drag racer nitong Sabado nang tangkain niyang ipatigil ang nagaganap na illegal racing sa nasabing lugar.

“This incident is deplorable. The poor traffic aide was simply trying to do his job and protect these little devils from themselves,” giit ni Escudero, chairman ng Senate committee on justice and human rights.

Nagkaroon si Reoteros ng sugat sa ulo at ilang bahagi ng katawan nang bugbugin ng mga sinitang drag racer sa naturang lugar.

Dagdag pa ng senador, mapanganib ang karera hindi lamang sa mga lumalahok dito kundi maging sa mga inosente at mga property na maaaring madamay sa aksidente.

“This unsanctioned car or scooter races is dangerous. It endangers not only the racers’ lives and properties, but also those of the innocent passersby. They’re racing against their lives and against our law and order. We cannot and should not let this pass,” paliwanag ni Escudero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply