Buong Pilipinas magiging maulan – PAGASA

BAGAMAT nalusaw na ang low pressure area (LPA) sa bahagi ng  Mindanao ay makararanas pa rin ng masungit na panahon ang halos buong bahagi ng Pilipinas.

Ito ang sinabi ng PAGASA kanina na itinurong dahilan ang aniya ay umiiral na easterlies sa silangan bahagi ng bansa kung saan nagdudulot ng malawak na kaulapan na dahilan ng mga pag-ulan mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Dahil dito, patuloy na pinag-iingat ng PAGASA ang mga residenteng nasa mapanganib na lugar na paghandaan ang posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Maliban dito, isa pang LPA ang namataan sa silangan ng Southern Mindanao.

Pero ayon sa PAGASA, nasa labas pa ito ng Philippine area of responsibility at inaasahang papasok sa loob ng 26 na oras.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply