Buong puso na pasasalamat at ang ating mambabasa

DALAWAMPUNG taon o dalawang dekada na ang Remate.

Parang kailan lang itinatag ang ating diyaryo ngunit hindi kapani-paniwalang  lumipas na pala ang 20 taon.

At lumalakad muli ang Remate patungo sa isa pang mahabang panahon.

Hopefully, maabot pa muli ng ating diyaryo ang 20 taon o dalawang dekada.

Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung walang matitibay ang tuhod na umaalalay sa ating pahayagan upang magkaroon ng buhay na hindi mabibilang sa daliri.

NARARAPAT ANG PAGPAPASALAMAT

Kung ganun, nararapat lang ang pagpapasalamat sa lahat ng mga nasa likod,

tagiliran at harapan ng ating diyaryo.

Itinatag ang ating diyaryo ni dating Congressman Prospero “Butch” Pichay, 20 taon na ang nakararaan.

Kung wala si “Cong.” Butch, wala rin sana ang Remate.

Kaya, naririyan ang ating pasasalamat kay Cong. Butch sa paglikha ng ating diyaryo.

Nasa tagiliran naman nito ang ating bosing sa nakalipas na 20 taon, si Boss RB o Rey Briones.

Bukod sa iba pang nag-alaga sa Remate, si Boss RB ang isa sa mga nagtiyagang nagmamaneho ng ating diyaryo hanggang sa mga araw na ito.

Siya ang nagbigay ng tiwala sa atin na imaneho rin ang Remate sa kasalukuyan.

Hanggang ngayon, kumbaga sa dyipni, dalawa kaming humahawak ng manibela  ng Remate.

IBA PANG MGA KASAMA

Siyempre pa, natutuwa naman tayong makasama ang lahat ng mga nagtutulong-tulong upang araw-araw ay makapaghatid ng balita ang Remate sa inyo, mahal naming mambabasa at sambayanan.

Si Sir Jerry Sidon at ang kanyang mga kasama sa makina at maintenance, si Sir Pons Arellano at mga kasama niya sa accounting at human resource management, si Madam Badette Mirano at mga kasama niya sa advertising at si Madam Lydia Bueno at mga kasama niya sa editorial, si Sir Johnny Magalona at mga reporter at correspondent natin, si Sir Fenny Pineda at mga kasama nating mga photog at si Madam Myrna Vere at mga kasama niya sa circulation.

Sina Madam Gwenn Diaz at Sir Fort Nicolas at mga kabig nila sa Remate Online na tumutulong din, salamat sa kanila.

Ah, hindi rin natin dapat kalimutan si Atty. Michael J. Mella at mga sidekick niya sa pagtatanggol sa atin sa mga kasong libelo.

PASASALAMAT SA MGA DEALER

Siyempre pa, buo rin ang ating pasasalamat sa ating mga dealer na araw-gabing naglalatag ng ating diyaryo sa mga lansangan, naghahatid sa mga opisina at tahanan at iba pang lugar.

Sinasaluduhan natin sina Sir Danny Jose, Teddy Moog, Owen Fuertes, Noel Nate, Glen Atayan at Madam CecilYap at lahat ng mga kasamahan natin sa kanilang hanay.

Hindi rin natin dapat kalimutan ang lahat ng mga indibidwal na dealer na tumatangkilik sa ating pahayagan na  naglalatag din sa mga lansangan, tahanan at opisina at ang mga nagdadala ng Remate sa ibang bansa.

Sa dami ng mga ito ay hindi na natin sila mapangangalanan kundi sasaluduhan na lang sila bilang ating mga kasangga.

ADVERTISERS, THANK YOU

Hindi man natin mapangangalanan ang ating mga advertiser sa dami nila, buo ang ating pasasalamat sa kanila sa pagtangkilik sa ating diyaryong Remate.

Gayundin ang lahat ng mga bumati sa ating buhay na buhay na diyaryo sa ika-20 taon nito, maraming salamat po sa inyong lahat.

PASASALAMAT SA SAMBAYANAN

Siyempre pa, ang ating mga mambabasa from all walks of life ang nagbibigay-buhay sa lahat ng ginagawa at pinagpapaguran ng lahat ng ating nabanggit sa una.

Kung wala sila, wala rin ang Remate at ang lahat ng mga nasa likod, tagiliran at harapan ng ating diyaryo.

Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

SALAMAT DIN SA MGA UZI

Wala tayong paraan ng pasasalamat sa ating mga UZI kundi bigyan sila ng espasyo ngayong araw.

SSS MABAGAL TALAGA

Sir, Rey Briones, may reklamo lang po ako.

Ang bagal mag-process ng SSS I.D. ang mga taga-SSS.

Siyam buwan na akong nag-file ng SSS I.D. pero hanggang ngayon, pumuti na lang ang mata ko sa kaaantay, walang dumarating. ERIC BONA, ng  Valenzuela City. +63932923….

ASAR NA SA IMPEACHMENT

Sinasabi ng mga defense lawyer ni Corona na maaari raw ma-impeach si PNoy sa ginagawa nitong pakikialam  sa kaso sa Senado.

Idinamay pa ang IBP at bahala na raw ito na gumawa ng aksyon.

Eh, sa panahon ni GMA, may nagawa ba sila?  Mga hunghang! Pwe! +63939225….

PASAHOD SA MGA KASAMBAHAY

Good evening po, Sir Benny.

Bakit po ganun ang pasahod ng kasambahay?

Napakababa po samantalang sobra-sobra pa sa 24/7 ang trabaho nila.

Wala man lang po bang aaksiyon sa ganitong pasahod?

Wala man lang po bang may mga puso riyan na pwedeng umaksyon dito?

Kawawa naman po kasi ang mga kasambahay na pinapasahod lamang ng kakarampot samantalang kayod kalabaw na nga ang trabaho.

May mga amo pang abusado at walang puso.

Please naman paki aksyunan. Salamat po. +63919814….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring itawag o i-text sa 0921-4303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply