Burol ni Iggy iisnabin ni PNoy

WALANG balak si Pangulong Benigno Aquino III na dumalaw sa burol ng namatay na si Negros Occidental Representative Ignacio “Iggy” Arroyo Jr.

Ani Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi naman malapit ang pangulo sa mambabatas kaya walang dahilan para sumipot siya sa burol.

Hands-off naman ang palasyo sa kahilingan ng kampo ni Pampanga Cong. Gloria Macapagal-Arroyo na payagan siya ng korte na makalabas ng ospital para naman makapunta sa burol ng bayaw nito.

Kung sakali namang payagan ng korte, nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa seguridad ni GMA.

Samantala, sa February 20 itinakda ng London Court ang pagresolba sa isyu kung sino ang nararapat na mag-uwi sa labi ni Rep. Iggy Arroyo mula sa pag-aagawan ng misis nito na si Aleli Arroyo at live-in partner na si Grace Ibuna.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply