Bus ride

SI Rex ay drayber-konduktor ng isang provincial bus.

Halos araw–araw ang biyahe niya mula Maynila hanggang sa isang lalawigan sa southern Luzon.
Mga lima hanggang anim na oras ang tinatagal ng biyahe.

May mga pasahero na sa dalas ng pagsakay ng bus ay kilala na niya ang mga ito sa mukha.

Isa rito ang isang matandang lalaki na hindi lang niya kilala sa mukha dahil sa kakaiba rin kasi siyang magbiyahe.

Roundtrip ang kinukuha niyang ticket kaya naman pagdating niya sa terminal ay kakain lang sa may karinderyang malapit tapos ay hihintayin na niyang bumalik ng Maynila ang bus ni Rex.

Malimit na ganito bumiyahe ang matanda. Minsan ay tinanong ni Rex sa matanda: “Manong, hindi ka ba napapagod sa biyahe? Balikan ka lagi.”

“Hindi, iho. Sanay na ako. Bukas nga biyahe ulit ako!”

Takang-taka talaga si Rex sa matanda. Marahil ay nais lang mamasyal ito. Pero, bakit pabalik-balik siya at tila kakain lang tapos pa-Maynila na ulit maya-maya?

Makalipas ang ilang buwan ay hindi na sumasakay ng bus ni Rex ang matanda. Siguro ay hindi na natatapat sa kaniyang bus o kaya naman ay nagsawa na siya sa ginagawa niya.

Isang araw ay nagkaroon ng bagong “stop over” ang mga biyahe ng bus. Isang bagong bukas na “restaurant at pasalubong center.”

Halos lahat ng bus na biyaheng papunta sa destinasyong lalawigan ay doon ang stop over. Ang lakas ng restaurant at puno lagi ang malaking parking space ng mga bus.

Habang kumakain si Rex, kasama ang mga kapwa drayber niya, ay may nakita siyang tao na pamilyar. Oo nga, yung Roundtripper na matanda. Binati niya, “Manong, ka-musta? Saan kayong bus nakasakay?”

“Ah, hindi ako nakasakay ng bus. Ako ang may-ari nitong stop over na ito.

“Naku, talagang pinag-aralan ko ang prospects ng negosyong ito. Araw araw nga akong balikan sa Maynila, pinag-aralan ko pati oras, dami ng pasahero kada bus na dumaraan dito at heto nga ang magandang negosyo,” pagbibida ng matanda.

Kaya pala yun ang ginagawa ng matanda. “Big time na, magaling pa!” ani Rex.

Kaya mga reader, minsan may mga bagay na hindi natin maintindihan ngunit may liwanag palang dahilan.

* * * *

Happy birthday kay Lydia Gelio-Agan ng Immaculate Concepcion. God Bless!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply