Business school sa Makati ipinasara ng CHED

IPINASARA ang isang business school sa Makati City makaraang mabigong tumugon sa mga panuntunan ng Commission on Higher Education (CHED).

Batay sa natanggap na liham ng International Academy of Management and Economics (IAME) mula sa CHED na nilagdaan ni Chairman Patricia Licuanan, malubha, seryoso,

patuloy na paglabag at pagbalewala ng naturang eskwelahan sa kautusang ipinaiiral ng komisyon – ang Policies, Standards and Guidelines (PSG) ang dahilan ng nasabing hakbang.

Nakasaad pa sa liham ng CHED na pinal ang kautusan ng komisyon at hindi na maaaring tumanggap ng estudyante mula sa mga kursong inio-offer na Bachelor of Science in Business Administration, Master in Business Administration and Doctor of Philosophy in Management.

Bagaman nito lamang Martes, Pebrero 14 natanggap ng IAME ang kautusan ng CHED, epektibo SY 2011-2012 ay hindi na nagkaroon ng enrolment sa naturang paaralan.

Iniutos din ng CHED na mailipat ang mga mag-aaral sa mga paaralang may CHEd-accredited programs.

Hindi na rin pinahintulutan ang IAME na magkaroon ng extension classes sa ibang paaralan.

Nilinaw naman ng CHED na maaari pa ring makapagtapos ang mga estudyanteng nag-aral sa IAME) na nakakumpleto sa academic requirements.

Sinimulan ng CHED ang kampanya laban sa mga ilegal na operasyon ng eskwelahan noong nakalipas na taon sa layuning magkaroon ng mataas na antas ng

edukasyon.

Kabilang na sa mga ipinasara ng CHED ang anim na branch ng Harvardian College sa Pampanga, PMI College sa Maynila at Quezon City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply