Business sector umaaray sa epekto ng sunud-sunod na kalamidad

UMALMA ngayon ang business sector dahil sa patuloy na pagkabangkarote ng kanilang negosyo kaugnay ng sunud-sunod na kalamidad na tumama sa bansa.

Inamin ni Edmund Du, pangulo ng Negros Oriental Chamber of Commerce and Industries (NOCCI), na hindi pa man sila nakababangon sa iniwang pinsala ng bagyong Sendong, ay epekto naman ng lindol ang pinoproblema nila ngayon.

Aminadao rin si Du na hirap pa silang makabawi mula sa nagdaang mga bagyo sa lalawigan.

Dahil dito, pinangangambahan na magkaroon ng shortage sa suplay ng pagkain at iba pang pangangailangan ang kanilang lugar dahil sa lawak ng pinsalang iniwan ng 6.9 magnitude na lindol noong Lunes (Pebrero 6).

Matatandaang maraming kalsada at tulay ang labis na napinsala at nahihirapan ngayon ang pag-deliver ng mga produkto sa lalawigan.

Nararanasan ngayon ng mga biktima sa Negros Oriental ang matinding gutom.

Bukod sa kapos na suplay ng pagkain ay wala ring mapagkukunan ng malinis na inuming tubig.

Gayundin, nananatiling walang kuryente at putol ang linya ng komunikasyon lalo sa bayan ng Guihulngan, La Libertad, Jimalalud at iba pa.

Nagpaskil pa ng SOS ang mga residente sa labas ng kanilang tahanan at humihilinh ng tulong.

Hirap na makarating agad ang tulong sa mga biktima ng lindol dahil sa mga nasirang tulay.

Maliban pa rito, apektado rin ng aftershocks ang rescue operations.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply