Buwanang sweldo sa bus drivers at konduktor simula ngayong buwan

SISIMULAN na ngayong buwan ang pagbibigay ng regular na buwanang sweldo sa mga driver at kundoktor ng bus sa Metro Manila. Ito ay ayon mismo kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz.

Kasabay nito, sinabi ni Baldoz na isang department order na ang kanyang inilabas patungkol rito.

Nabatid na nakasaad sa nasabing department order, na inaatasan ang lahat ng mga bus company na pasuwelduhin ang mga driver at kundoktor nang hindi bababa sa P429 sa kada walong oras na trabaho.

Bukod rito, tatanggap din ng kaukulang night differential pay at holiday pay ang mga driver at kundoktor pero lilimitahan na lamang sa apat na oras ang kanilang overtime kada araw.

Ang hakbang ng Department of Labor and Employment ay upang maiwasan na ang mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga bus dahil sa sinasabing pagkakarera ng mga ito para makarami ng mga pasahero.

Matatandaan na nitong nakaraang taon, ilang beses nagsagawa ng pulong ang DOLE, grupo ng mga bus company at Metro Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa pagbibigay ng regular na sweldo para sa mga driver at konduktor.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply