CA ibinasura ang reklamo vs 14 opisyal ng NPC

TULUYAN nang ibinasura ng Court of Appeals ang criminal complaint na inihain laban sa 14 na opisyal ng  National Press Club (NPC) kaugnay ng kontrobersyal na pagbebenta ng Vicente Manansala Mural Painting na nasa NPC building sa Intramuros, Maynila.

Ang pagbasura sa usapin ay kaugnay sa inihaing motion for reconsideration ng Government Service Insurance System (GSIS) na ibasura ng Appellate Court.

Kinatigan nito ang naunang ruling noong Oktubre 7, 2011 na nag-aabswelto sa mga nasabing NPC officials sa anumang criminal liability.

Ang naturang desisyon ay isinulat ni Associate Justice Priscilla Baltazar-Padilla na pinaboran naman nina Justices Fernanda Lampas-Peralta at Agnes Reyes-Carpio. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply