Calamba football suportado ng Azkals

FULL support ang Philippine Azkals sa Calamba Football Festival (CFF).

Ito ay isang grass-root development program na aprubado ng Philippine Football Federation at kinikilala ng Federation International de Football Association (FIFA).

Kabilang sa mga dadalo sa pasinaya ng CFF sa Pebrero 9 hanggang 12 ay ang co-captain ng Azkals na si Emelio “Chippy” Caligdong, ang retiradong beterano sa football at striker ng Air Force FC na si Yanti Barsales, reserve goal keeper na si Eduard Sacapaño, defender na si Reymark Palmes at ang team manager na si Dan Palami.

Ayon kay Calamba Mayor Joaquin M. Chipeco Jr., chairman ng CFF Organizing Committee, na ang buong taong festival ay may apat na yugto sa mga kategorya ng boys 9-under, 13-under at 17-under at girls 17-under na tatakbo hanggang Disyembre.

Higit sa 600 manlalaro mula sa 58 koponan ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa siyudad ang lalahok sa opening leg ng JMC (Join in Making Champions) Calamba Football Cup, isang revival ng programa ng “Kasibulan” ng Philippine Football Federation (PFF) na nakapagsanay ng mga manlalaro ng naging miyembro ng pambansang koponan.

Sinabi naman ni Rep. Justin “Timmy” Chipeco ng ikalawang distrito ng Laguna, hindi matutulad ang CFF sa Kasibulan na nahinto noong 2005.

Aniya, ang CFF ay sisikaping ganapin taun-taon bilang proyekto ng lokal na pamahalaan sa pakikipagtulungan ng pribadong sektor.

Si Prinsipe Al-Hussein, bise-president ng FIFA, ang pormal na magpapasinaya ng buong taong programa.

Ang buong taong gawain ay kinabibilangan ng Calamba-Laguna Invitational Cup sa Abril, ang Calamba National Cup sa Hulyo at ang Calamba International Cup sa Disyembre.

Inimbitahan ng Calamba ang ilang siyudad sa Asya gaya ng Kuala Lumpur, Taipei, Seoul at iba pang siyudad sa Europa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply