Calixto: Pinakabiyaherong mayor sa Metro Manila

WALA na yatang alkalde sa Metro Manila ang tatalo sa rekord nitong si Pasay City Mayor Tony Calixto kung PAGBIYAHE rin lang sa abroad ang pag-uusapan.

Parang karatig-lungsod lang kasi sa kanya ang Singapore, Hong Kong at Macau sa tuwing bibiyahe siya rito.

Kung hindi pamilya ang mga kasama ay piling mga kaibigan lang.

Maniniwala ba kayo na nitong nagdaang taon ay may sampung beses siyang nagliwaliw sa mga bansang ito?

Nitong nakaraang buwan ay muli siyang bumalik sa Hong Kong at Macau kasama ang paborito niyang kontrak-tor na si Bing Tecson.

Pero, ayon sa impormante ko, madalas na mainit ang ulo ni Mayor Calixto at parang lulugo-lugo sa tuwing babalik siya sa Pilipinas mula sa mga bansang nabanggit natin.

Kung anong dahilan ang nasa isip n’yo tungkol sa bagay na ito ay tiyak na hindi tayo nagkakalayo.

Ibang klase kasi ang libangan ni Mayor Calixto.

Pang-galante, ‘ika nga!

Hindi na raw dapat pakialaman pa ang mga lakad na ito ni Calixto dahil personal ang mga ito at sarili daw niyang gastos.

Ganyan karami ang pera ngayon ni Mayor!

Nguni’t hindi ba niya naisip na mas makatutulong sa kanyang mga constituent kung babawasan niya ang mga pagbiyahe sa Macau at Hong Kong?

Bakit hindi na lang niya ibahagi ang kanyang pera sa napakaraming kapus-palad na mga residente sa Pasay?

‘Yan ay kung totoo ang kuwentuhan na multi-milyong piso kada buwan ang kinikita niya magmula nang maging mayor siya ng lungsod!

Bakit hindi niya pamarisan ang ginagawa ngayon ng dati niyang kaibigan at political financier na si Ginoong Jorge del Rosario (JDR)?

Araw-araw ay nag-iikot sa mga barangay sa Pasay itong si JDR para mamahagi ng tulong mula sa sarili niyang bulsa.

Kung tutuusin, mas mabuti pa ang taong ito na batang-Pasay din.

Kahit binalewala ni Calixto ang ginawa niyang (JDR) pagtulong ng malaking halaga sa kampanya ng alkalde nu’ng nagdaang eleksyon ay muli siyang nagbalik sa Pasay hindi para maghiganti kundi para tumulong sa mga kalugar nila na lugmok na lugmok sa buhay.

At hindi raw titigil si JDR sa pagtulong sa Pasay hangga’t hindi niya nakikita ang ganap na pag-angat ng lung-sod at ng mga dukhang mamamayan nito.

Ganito dapat ang nasa isip palagi ni Mayor Calixto at hindi ‘yung binabalikan niya sa Hong Kong at Macau!

oOo

Anomang reklamo. ko-mento o suhestiyon, i-text o i-tawag lang sa 09994333437; 09278473781 at 09224346131 o kaya’y i-email lang sa boyet-munar@yahoo.com at malugod ko kayong paglilingkuran!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply