Call center agent na-sandwich sa 2 bus sa Kyusi

NASAWI ang isang call center agent makaraang ma-sandwhich sa dalawang bus sa sakayan sa Cubao, Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Calixtro Phil Gualdrapa, nasa 28 hanggang 30-anyos.

Nabatid na sumabit ang biktima sa gilid ng paalis nang RBM Transport bus na may plakang UVB 133 upang makahabol, kaya’t naipit ito ng nakahintong bus na Malanday Metrolink Bus.

Inabot ng mahigit isang oras bago maialis sa pagkakaipit ang biktima at madala sa Qurino Memorial Medical Center ngunit binawian din ito ng buhay.

Dahil dito, sumuko naman ang driver ng Malanday Metrolink Bus na si Romeo Sarmiento habang pinaghahanap na ngayon ang driver ng RBM Transport bus na si Melenio Agota na tumakas matapos ang insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply