Caloocan City Police Chief Supt. Jude Santos

GINAGAWA raw na tambayan ngayon ng mga holdaper at iba pang  kriminal ang Barangay 12 ng Caloocan City ngunit bulag daw dito ang kanilang Brgy. Chairman na si Bebot Ipot Cruz.

Sa nakarating na impormasyon sa Lily’s Files, isang nagngangalang Domeng Abordo alyas “Boy Tso”, isa umanong holdaper ang gumagawa ng sariling grupo ng mga kabataan diyan sa may Brgy. 12 ng Caloocan City.

Karamihan daw sa mga kabataang nag iipon-ipon sa nasabing lugar ay pawang mga holdaper, snatcher, mandurukot at sangkot sa iba’t ibang krimen.

Ang mga kabataang ito umano na tinaguriang mga kingpin ng Salay-Salay ay lubhang mapanganib hindi lang sa nasabing barangay kundi maging sa Metro Manila, partikular ang tinukoy ng ating mga source, ang lungsod ng Caloocan.

Caloocan City Police Chief, Supt. Jude Santos, Sir, bago pa man  lumaki ang sungay ng mga iyan ay dapat na sigurong maputol habang maaga pa dahil pag iyan ay pinabayaan natin ay posibleng lumaking  salot sa lipunan ang mga kabataang iyan.

Pag hinayaan nating mabuo ang grupong iyan ng mga holdaper, snatcher, mandurukot at kung ano-ano pa ay posibleng sila ang sumunod sa mga yapak ng malalaking sindikato tulad ng kidnap for ransom, bank robbery syndicate, carnapping at gun for hire.

Huwag na po nating pabayaang malulong ang ating mga kabataan sa ganung uri ng krimen. Kung maaari pa naman itong maiwasan sa pamamagitan ng pagsugpo rito ng ating mga law enforcer.

Intindihin na lang natin itong si Brgy. Chairman Bebot Ipot Cruz, kung sakaling nagbubulag-bulagan ito sa mga nagaganap sa kanyang barangay dahil siyempre malaki ang ambisyon nitong tumakbong muli  ngayong darating na 2013 election.

Kung pagbabawalan nga naman niyang mag-grupo-grupo ang mga kabataan dito,

malamang ay wala siyang makuhang boto sa kanilang barangay, hindi po ba, Kapitan Cruz?

At doon naman po sa mga magulang na napababayaan ang kani-lang mga anak dahil sa tong-its, pusoy, bingo at kung ano-ano pang  sugal, aba eh, bigyan niyo naman ng pansin ang inyong mga anak lalo na ang mga menor de edad pa, kailangan nila ang gabay nating mga magulang.

Caloocan City Police Chief, Col. Jude Santos, paki-aksyunan  lang po. Kung hindi kayang aksyunan ng barangay chairman na tutulog-tulog sa pansitan.

Para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09155683000 o kaya ay mag email sa lily_reyes13@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply