Cameraman ng ABS-CBN isinalang sa witness stand

ISINALANG na ang cameraman ng ABS-CBN na si Edmond Llosala sa witness stand.

Sa kanyang pagsalang idinetalye ni Llosala ang kanilang coverage sa kaganapan noong Nobyembre 15, 2011 sa Supreme Court.

Ikinuwento ni Llosala sa impeachment court na nagkaroon noong Nob. 15 ng press conference si SC spokesman Atty. Midas Marquez para sa temporary restraining order (TRO) laban sa watch list order ng Department of Justice kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ipinapanood din sa impeachment court ang video ng nabanggit na coverage.

Agad naman itong tinutulan ng Defense panel.

Sinabi dating Justice Serafin Cuevas, na wala silang makitang kaugnayan ng video sa tinatalakay na kaso ni Chief Justice Renato Corona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply