Carla Abellana mag-aalsa balutan na rin sa GMA-7?

TRUE kaya ang ulat ng ilang pahayagan na lulundag na rin nag bakuran si Carla Abella?

Nag-decide na raw umano si Carla at ang manager nitong si Arnold Vegafria na “yakapin” na ang offer ng ABS-CBN kaya malapi-lapit nang mag-alsa balutan ang magandang anak ni PJ Abellana sa GMA-7.

Isa pa naman si Carla sa prayoridad ng GMA na bigyan ng programa.

Ayon sa Manila Bulletin, mayroon silang “reliable source” na nagsabing si Marian Rivera, Barbie Forteza at Bea Binene, ang pariority ng Siyete.. Hmmm…hmmmm. May ganun? May epek ba yun kay Carla?

Pero nabaitd naman na up to now ay hindi pa nagkakaroon ng pirmahan ang Dos at ang kampo ni Carla so pwede pang mag-offer ng mas magandang “plano” ang Siyete sa magandang aktres.

Gawin kaya ng Siyete yan? Let’s see! Magpapaso pa naman ang kontrata ni Carla sa GMA ngayong buwan.

Ang iba pang lumipat na Kapuso star sa Dos ay sina Carmina Villaroel, Patrick Garcia at Iza Calzado.

Si Carla na kaya ang susunod?

***

Lumilipat na Kapuso star bumubongga ang career sa ABS-CBN

NAPANSIN ko lang na karamihan ng mga artistang lumipat sa ABS-CBN ay bumumobongga ang career.

Isa na dito si Angel Locsin na may movie ngayon with John Lloyd Cruz na “Unofficially Yours.” Nakailang serye na rin si Angel sa Dos plus nabigyan siya ng chance sa comedy kaya naman napasama na sa main cast ng sit com ng “Todo Max,” with Vhong Navarro, Pokwang at Papa Robin Padilla.

Super bumongga rin si Anne Curtis, na siyang inaasahang maging box office queen dahil sa pelikulang “No Other Woman.”

Malupit ang movie na ito dahil tumabo lang naman sa takilya nang tumataginting na halos P300 milyon (yata).

Plus ginawa pang official na noon time show ng Dos ang Showtime kung saan isa si Anne sa mga prime host.

Kasama rin si Anne sa nalalapit na prime time serye nina Robin Padilla (na dati ring nasa Siyete) at Kris Aquino.

Katatapos lang ng concert ni Anne sa Smart Araneta Coliseum. In fairness, napuno ni Anne ang Big Dome ha, with her nakakalurkey na voice hehehehe. May kakaibang charm kasi si Anne that’s why love na love siya ng madlang pipol.

Ang makakahati ni Anne sa titulo kung sakaling hirangin na box office queen ay si Cristine Reyes na mula rin sa GMA-7. Galing si Cristine sa StarStruck, ang reality artista search ng Siyete.

Si Cristine din umano ang makakapareha ni Papa Piolo Pascual o ni Jericho Rosales sa “Nang Dahil Sa Pag-Ibig,” na malapit nang umere.

Visible din ngayon sa ilang programa ng Dos ang mga ex-Kapuso star na si Alfred Vargas (although, galing siya sa isang batch ng Star Cirlce ng Dos noon bago mapunta sa channel 7), gayundin si Valerie Concepcion na kakalabas lang sa hit serye na “100 Days To Heaven.”

At noong Wowowee days ay hataw din si Val sa Dos at gumanap pa sa isang challenging role sa isang episode ng “Maalaala Mo Kaya” with Zanjoe Marudo.

Next in line na maaaring bumongga ang career ay si Iza Calzado. Magaganda raw na proyekto ng Dos para kay si Iza na lalabas din sa isang epeisode ng MMK.

Ang nagbabalik-Kapamilya na si Patrick Garcia ay napapanood na ngayon sa Precious Hearts Romances: Lumayo Ka Man Sa Akin, ka-love triangle sina Jason Abalos at Maja Salvador.

Bumangon na rin ang acting career ng mahusay na si Janice de Belen via “Budoy” with Gerald Anderson, Tirso Cruz III, Zsa-Zsa Padilla, Mylene Dizon at iba pa.

Balik-hosting naman si Carmina Villaroel sa Showbiz Inside Report na maganda ang nakuhang feedback ng pilot espisode nito noong Feb 4, na isa sa nag-trending topic sa Twitter noong araw na iyon.

May magic ba ang Dos kaya sumisikat sa kanila ang mga artista? Oopps.. di natin sinasabi na hindi sumisikat ang mga nasa Kapuso Network. In fairness si Camille Prats na dating taga-Dos ay okay sa Siyete at nag-rate ang seryeng Munting Heredera.

Eh paano naman si Claudine Barretto na dating reyna sa prime time slot ng Dos? Anong nagyari sa career n’ya? Nagtatanong lang po? Nakanino kaya ang problema? O baka naman pana-panahon lang yan! Hindi niya siguro panahon ngayon!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply