CBCP: Aktibidad ng mga fraternity sa paaralan i-monitor

MAHALAGANG ma-monitor o mamatyagan ng mga paaralan at unibersidad sa bansa ang mga gawain o aktibidad ng lahat ng fraternity, sorority o samahan sa mga paaralan.

Ito ang apela ni CBCP Episcopal Commission on Public Affairs Chairman at Caloocan Bishop Deogracias Iniguez matapos masawi sa hazing si Marvin Reglos, first year law student ng San Beda College.

Ayon pa kay Bishop Iniguez, dapat matugunan ng mga pinuno ng paraalan ang nagaganap na hazing o pagpapahirap sa mga estudyante ng mga fraternity na sinalihan.

Kaugnay nito, hinimok ng obispo ang mga kabataan na magsuri rin ng mabuti sa mga sinasalihan nilang samahan at huwag ipilit na sumali sa mga organisasyon na may hazing upang hindi sila mapahamak.

Samantala, sinabi naman ni Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, na upang hindi mapahamak ang mga anak o hindi matulad sa sinapit ni Reglos, ay dapat na paigtingin pa ng mga magulang ang ugnayan sa kanilang mga anak upang hindi maghanap ng ibang affiliation ang mga bata.

Dagdag pa ni Cruz, wala siyang nakikitang masama sa mga fraternity, subalit dapat na tiyakin lamang na hindi humantong sa dahas ang pagsali sa mga ganitong samahan.

“Para akung nababagabag na itong mga magulang, pinag-aaral ang mga anak. Nagsusumikap, ginagawang araw ang gabi tapos ganyan lang ang sasaptin. Samakatuwid, ang tingin ko ay dapat talagang pag-ibayuhin pa ang family relationship. Yung ugnayan ng mga magulang sa mga anak at nang mga anak sa kanilang mga magulang para hindi na maghanap pa ng ibang affiliation ang kanilang mga anak.” bahagi ng pahayag ni Cruz sa panayam ng Radyo Veritas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply