CBCP hinamon ng grand debate ni Lagman

WALANG nakikitang masama ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa hamon ni Albay Rep. Edcel Lagman na ‘grand debate’ sa kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill.

Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, vice chairman ng Episcopal Commission on Family and Life ng CBCP, hindi imposible ang naturang hamon at ang kinakailangan lamang aniya ay sumulat si Lagman sa tanggapan ng CBCP kung talagang nais nitong matuloy ang grand debate sa naturang panukalang batas.

Gayunman, sinabi ng arsobispo na hindi maaaring humarap sa debate ang mga obispo o pari dahil tiyak na sasabihin na naman ni Lagman na bakit nakikialam ang mga lider ng simbahan sa RH bill gayung wala naman silang mga asawa.

Tiniyak naman ni Arguelles na maraming laity people ang handang humarap kay Lagman para sa isang masinsinang debate sa RH bill gaya nina Atty. Jo Imbong ng CBCP Legal office, dating Manila Mayor Lito Atienza, Eric Manalang ng Pro-life Philippines, Cong. Roilo Golez at iba pang mga mambabatas na tutol sa panukalang batas.

Naninindigan din si Arguelles na hindi papayagan ng Simbahang Katolika na maipasa ang RH bill dahil sisirain nito ang moralidad, pamilya at kultura ng mga Pinoy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply