CBCP-NASSA ayaw kay Jardeleza bilang SolGen

DISMAYADO ang isang mataas na opisyal ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pagtatalaga ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III kay Atty. Francis Jardeleza bilang kapalit  ng nagbitiw na si Solicitor General Jose Anselmo Cadiz.

Ayon kay CBCP-NASSA Executive Secretary Rev. Father Edu Gariguez, tiyak na maaapektuhan sa naturang aksiyon ang mga ipinaglalaban ng mga magsasaka partikular na ang usapin ng coco levy fund at Hacienda Luisita dahil si Jardeleza ay abogado ni Danding Cojuangco ng San Miguel Corporation.

Naniniwala rin si Gariguez na mistulang isang ‘grand scheme’ ang pangyayari at may motibo ang pamahalaan sa pagtatalaga kay Jardeleza sa puwesto.

“Parang grand scheme ito, mayroong motibo sa pagtatalaga kay Jardeleza,” ayon kay Gariguez sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Kasabay nito, tiniyak ni Gariguez na magsasagawa sila ng kilos protesta para ipanawagan kay PNoy na alisin sa puwestoang bagong Solicitor General.

“Talagang dismayado kami! Dismayado ang mga magsasaka sa pagkaka-appoint ng Pangulo kay Atty. Jardeleza na alam naman ng lahat na abogado ni Danding Cojuangco! Abogado ng San Miguel Corp.! lalong malalagay sa panganib ang mga ipinaglalaban ng mga magsasaka sa isyu ng Coco levy at HLI na napagwagian na ng mga magsasaka,” ayon kay Gariguez.

Ipinangangamba rin ni Gariguez ang direksyon ng mga pangyayari mula sa impeachment ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona kung saan ang mga abogado ng prosekusyon ay mayroong kaugnayan sa Hacienda Luisita.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply