CBCP sa mga Katoliko: ‘Magbasa ng Bible’

NANAWAGAN ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mananampalatayang Katoliko na magbasa ng Banal na Bibliya upang lalo pang mapagyaman ang pananampalataya sa Panginoon.

Ayon kay Pampanga Auxiliary Bishop Pablo Virgilio David, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Bible Apostolate (ECBA), sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya ay lalong mapapayabong ng tao ang kanyang pananampalataya at masusundan ng mga ito ang yapak ni Hesukristo tungo sa kabanalan.

Bukod dito, hinihikayat din ng CBCP official ang mga Katoliko na suportahan at makiisa sa isasagawang 19th National Bible workshop mula Pebrero 7 hanggang 12 sa Dumaguete city.

Layunin ng workshop na pag-isahin ang layunin ng mga Diocese at Archdiocese sa bansa na ipalaganap at paigtingin ang pagbabasa ng Banal na Bibliya o ng Salita ng Diyos.

Kasabay nito, ipinagmalaki din ni David na sa kabuuan ay naging matagumpay ang isang linggong selebrasyon ng National Bible week na nagtapos noong Enero 29, 2012.

Tiniyak din nito na naging matagumpay at nagpapatuloy ang programa ng ECBA hinggil sa pamimigay ng may limang milyong Bibliya para sa mahihirap na pamilya na sina-subsidize ng simbahan upang magkaroon ng Holy Bible ang bawat pamilyang Katoliko.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply