CBCP tutulong sa mga biktima ng lindol

TINIYAK ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na magpapaabot sila ng financial at spiritual support para sa mga nabiktima ng 6.9 magnitude na lindol sa Negros Oriental, Negros Occidental, gayundin sa Western at Central Visayas.

Ayon kay CBCP President at Cebu Archbishop Jose Palma, sa mga ganitong pagkakataon ng pagsubok ay dapat na ipakita ng lahat ang pagtutulungan.

Bukod naman sa tulong pinansiyal, nagpaabot na rin ng spiritual support at panalangin ang CBCP sa mga obispo na nakakasakop sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.

Umaasa naman si Palma na magsisilbing “eye opener” sa pamahalaan na maging seryoso sa pagpapatupad ng batas hinggil sa pangangalaga sa kalikasan at tiyaking maging handa sa lahat ng sakuna na maaaring tumama sa bansa.

Ayon sa CBCP president, hindi dapat na isisi sa kalikasan at sa Diyos ang mga nangyayaring kalamidad sa bansa.

Aniya, hindi ang Diyos ang gumawa ng mga problema dahil kalimitang ang mga ito ay bunga lamang ng kapabayaan ng mga tao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply