CBCP walang pinapanigan sa impeachment

WALANG pinapanigan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa isyu ng impeachment complaint laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Ito ang ginawang paglilinaw ni CBCP President at Cebu Archbishop Jose Palma kasunod ng ulat na pabor ang isang opisyal ng CBCP na buksan ang nabunyag na limang dollar bank accounts ni Chief Justice Renato Corona sa Philippine Savings Bank (PSBank).

Ayon kay Palma, walang opisyal na pahayag o statement ang CBCP, bilang isang body, na humihimok kay Corona na ilantad ang kaniyang bank account upang patunayang wala itong itinatago.

“I’d like to make a statement, it is not true that CBCP is urging Chief Justice Corona to submit his dollar account. I’d like the people to know that. We do not at all speak and urging CJ Corona to submit his dollar account,” paglilinaw ni Palma, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Sa website ng CBCP, isang artikulo ang napaskil na nagsasaad na hinimok ni Father Edu Gariguez, executive secretary ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) ng CBCP, si Corona na kusain nang ihayag ang mga detalye ng kaniyang dollar bank account upang patunayang wala siyang (Corona) itinatago.

Gayunman, sinabi ni Palma na ito’y hindi opisyal na statement at hindi rin ito suportado ng CBCP.

“It’s not official. We do not support that statement. It is not the statement that reflect the mind of CBCP,” ayon kay Palma.

Iginiit rin ng CBCP president na ipinauubaya nila ang lahat sa kamay ng mga senator-judges na dumidinig sa impeachment complaint.

Dapat rin aniyang magtiwala at respetuhin na lamang ng lahat ang proseso ng impeachment.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply