Celtics rumebanse sa Cavs

NAKABAWI ang Boston Celtics sa Cleveland Cavaliers matapos ang 93-90 panalo ng una sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

Sa huling laban ng Boston at Cleveland ay lumamang ng 11 puntos sa huling apat na minuto ang Celtics subalit natalo pa ito ng isang puntos.

Kahapon muling nagbadya ang Cavs na makasilat sa Celtics subalit hindi na ito pinayagang nina Paul Pierce at Kevin Garnett.

Humabol ang Cavs sa pangunguna ng kanilang rookie na si Kyrie Irving na nagsalpak ng isang layup upang maging dalawa na lang ang lamang ng Celtics may 1:18 pa ang nalalabi sa oras.

Subalit kumana agad ng isang short jumper si Garnett at nagsalpak ng dalawang freethrows si Pierce upang ilista ang 10-10 win-loss card ng Boston.

“They thought they could squeeze out the game,” patungkol ni Doc Rivers sa Celtics.
“All of a sudden, Cleveland got excited. We couldn’t turn them off. There was a lot of frustration. That’s good to see. I like that.”

Tumikada si Pierce ng 20 puntos, anim na assists at apat na rebounds habang 13 puntos, at tig apat na boards at assists ang tinarak ni Garnett.

Nag-ambag din si Ray Allen ng 12 points, walong assists at dalawang boards.

Pang-pitong sunod ng hindi naglalaro ang all star point guard ng Celtics na si Rajon Rondo dahil sa kanyang right wrist injury ganunpaman ay 5-2 win-loss ang kanyang koponan habang wala siya.

Si Irving ang top scorer sa Cavs na may 21 puntos, anim na assists at isang rebound habang pumangalawa si Anderson Varejao na tumikada ng 20 pts., 20 boards at dalawang assists.

Samantala, sinilat ng Memphis Grizzlies ang Denver Nuggets, 100-97 sa isang overtime game.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply