Cesar Montano bagong miyembro ng OMB

ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III si Cesar Montano bilang bagong ng Optical Media Board, sa ilalim pa rin ng pangangasiwa ni OMB chair Ronnie N. Ricketts.

Si Montano, 49, ang magiging kinatawan ng pribadong sektor o mula sa Industry Relying on Intellectual Property Protection na magtatapos naman ang termino sa Marso 2013.

Matatandaan na si Montano, isang actor-director ay tumakbo sa pagka-senador noong May 2007 elections sa ilalim ng Team Unity at tumakbo naman bilang gobernador ng Bohol noong 2010 subalit parehong natalo sa nabanggit na eleksyon.

Bukod sa aktor ay itinalaga rin si Elmar Ingles bilang miyembro ng OMB. Magiging kinatawan si Ingles ng Consumer
Organizations na magtatapos naman ang termino sa Hunyo 2013.

Si Ingles, 47 ay kasalukuyang Executive Director ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit, Inc. at Philippine Legitimate Stage Artists Group, Inc.

Dahil dito, inaasahan na mas magiging mahigpit ang kampanya ngayon ng OMB laban sa mga pirated DVD na nagkalat sa Metro Manila at sa karatig lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply