China, Taiwan source ng inaangkat na galunggong

ANG China at Taiwan na naman ang pinanggagalingan ng imported na galungong na ibinibenta sa mga palengke ng Metro Manila, ito ang paniniguro ngayon ni Bureau of Fisheries and Natural Resources (BFAR) Director Asis Perez.

Ani Perez, ang dalawang magkapitbahay na bansa ang pinagkukunan ngayon ng imported na galungong dahil sa kanila mas mura ang presyo nito.

Aniya, 1999 pa lamang ay nag-aangkat na ang Pilipinas ng galunggong dahil hindi sapat ang isdang nahuhuli sa bansa para sa mga Filipino.

Aniya, kung naglalabas man tayo ng tuna, iyon ay dahil mas mahal ang presyo nito.

Kailangan umanong ibenta natin ang mas mahal na isda at bumili ng mas mura upang huwag tayong kapusin sa suplay, at ang China at Taiwan umano ang nakapagbibigay nito sa atin.

Gayunman, hindi umano nila pinapayagang ibenta sa palengke ang nasabing mga imported na isda.

Pinapayagan lamang umano nilang mag-import ang mga kompanya ng sardinas, malalaking restaurant at mga hotel dahil kailangan din nilang pangalagaan ang mga lokal na mangingisda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply