Chinese na sumagasa at sumaksak sa GF tiklo

NADAKIP na ng operatiba ng Manila Police District-homicide section ang 25-anyos Chinese national ng Manila Police District-homicide section na itinuturong bumundol at sumaksak sa kanyang nobyang Chinese na sumunod sa kanya mula pa sa China bago muling sinagasaan upang masigurong patay na, may 18 araw na ang nakalilipas sa harap ng gusali ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Roxas Boulevard, Malate, Maynila.

Iprinisinta kay Manila Mayor Alfredo Lim ng grupo ni P/S Insp. Joey de Ocampo, hepe ng Manila Police District-homicide section ang suspek na si Gong Shuyang, 25, nanunuluyan sa 1119 EGI Taft Tower, Taft Avenue, Malate, Maynila.

Si Gong ay naaresto nina SPO1 Charles John Duran, PSI Ismael dela Cruz, PCI Teresita Lim at iba pang operatiba ng MPD-hqs, sa ground floor ng Taft Tower, habang nakatayo kahapon ng alas 11:30 ng gabi matapos itimbre ng isang impormante na nasa lugar si Gong.

Narekober din ng pulisya ang Nissan Cefiro (ZAY-741) na ginamit ni Gong sa pananagasa sa biktimang si Zhao Chun Lan, pero pinalitan ng una ng plate number na  WSX 384 na umano ay ninakaw sa isang kotse sa Malate, Maynila sa 5th floor ng Taft Tower.

Sa beripikasyon ng pulisya sa record ni Gong, nalaman na marami itong kasong estafa at lulong sa sugal sa casino.

Sinabi ni Gong na nagawa niyang patayin ang girlfriend dahil pinagbabantaan siya nito at tinatakot kapag hindi siya nagbigay ng P1.3 milyon, partikular na ang kanyang ama na pinuntahan pa ng biktima kasama ang apat na lalaki.

Gayunman, sa imbestigasyon ng pulisya, nalaman na tinangay ni Gong ang malaking halaga ng pera ng biktima nang umuwi sila sa China para ipalaglag ang dinadalang sanggol ng biktima at habang nasa ospital ang babae ay tinangay ni Gong ang pera nito at mula noon ay hindi na nagpakita.

Nang makarekober naman ang biktima ay bumalik sa Pilipinas at hinanap si Gong para bawiin ang tinangay na pera.

Nakilala ang suspek matapos mamukhaan sa CCTV camera na ipinagkaloob ng BSP sa MPD-hs, gayundin ng testigong si Medilyn Leonardo na nakakita sa pag-aaway ng dalawa bago sagasaan ang babae.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply