Chinese national timbog sa PDEA

NALAMBAT ng mga operatiba ng PDEA  ang isang Chinese na may bitbit na dalawang kilo ng shabu sa isang operasyon sa lungsod ng Quezon kaninang madaling-araw.

Kinilala ang suspek na si Clarence Chen Go kung saan narekober sa kanya ang may P10 milyong halaga ng shabu na idedeliber nito umano sa isang nagpanggap na buyer na isang ahente ng PDEA na nauna nang nagdeposito ng P300,000 piso sa isang bank account para sa paunang bayad sa isang kilo ng shabu isang linggo na ang nakaraan.

Dinakma si Go ng mga ahente ng PDEA habang naglalakad ito sa Timog Ave. dakong ala-1:00 ng madaling araw  patungo sa pagdedeliberan nito at narekober sa kanya ang dalawang kilong shabu na nagkakahalaga ng P5 milyon.

Ilang  buwan na umanong minamanmanan ng PDEA ang aktibidad ni Go hanggang sa isang negosasyon sa poseur-buyer ay pumayag ang suspek na magbenta ng isang kilong shabu. Itinanggi naman ng suspek na may kinalaman siya sa droga. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply