Chop-chop lady itinapon sa Misamis Oriental

NANGANGAPA pa ang awtoridad sa isang hindi kilalang bangkay ng babae na pinagputol-putol ang katawan at itinapon sa Laguindingan, Misamis Oriental.

Ayon kay P/Insp. Geleses Teves, ang hepe ng Laguindingan Police Station, kalahating parte lamang ng katawan ng babae ang natagpuan at ang ulo ay natagpuan naman sa Initao, Misamis Oriental.

Hindi rin alam ng awtoridad kung nasaan ngayon ang pinutol na dalawang paa ng biktima.

Batay sa ikinasang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), hindi ginamitan ng matalas na bagay ang paghati sa katawan ng biktima at hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa ang kanilang pagsisiyasat.

Nanawagan ngayon si Teves na kung sinuman ang nawalan ng mahal sa buhay ay magtungo  lamang sa kanilang opisina upang kilalanin ang pinagputol-putol na bangakay.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply