Chris Tiu ‘di aalis sa Smart Gilas kahit puwede na siyang maging professional basketeer

NAGPAPAKATOTOO lang si Chris Tiu sa pagsasabi na loyal  siya sa Smart Gilas. Kahit pa ang mga kasamahan niyang  player dito ay isa-isa nang umalis, pinaninindigan nitong manatili siya sa koponan na sponsor ng TV5 big boss Manny V. Pangilinan.

Ani Chris: “Gusto ko lang maglaro na dinadala ang bandila ng Pilipinas. Gusto kong maging basketball player ng bansa.”

Kaya naman kahit anong hirap na mag-training at sumali sa iba’t ibang international tournament ay hindi niya iniinda alang-alang sa bayan.

Nakausap namin nang masinsinan si Chris sa taping niya ng bagong programa ng TV5, ang “Toink! Sino Ang Tama?,” na isang hilarious game show na siya ang host at kasama niya ang Kapatid star na si Alex Gonzaga.

Ang Toink ay co-prod ng TV5 at ni KB Entertainment boss Ms. Kitchie Benedicto na nagsisimulang i-air last Sunday, (Feb.12) 2:00 to 2:30 p.m. pagkatapos ng Wow Mali ni Joey de Leon. Kasama sa programa sina Gene Padilla at Pretty Trizsa. Sina Gene  at Trisha ang mag-iikot sa iba’t ibang lugar para sa trivia question na sasagutin ng contestants na ang sagot ay mag-mumula sa mga field interview.

o0o

MAY bagong kalaban si Derrick Monasterio sa panunuyo kay Sarah Lahbati. Bago matapos ang taping ng Kokak ni Sarah, panay ang bisita rito ng young actor na si Carlo Aquino. Pareho kasing mahilig ang dalawa sa pagtugtog ng gitara. Bukod pa rito’y parehong music ang hilig nila.

Di naman kasi puwedeng bumuntot-buntot si Derrick kay Sarah nang panahon ng taping ng Kokak dahil busy ito sa tapings ng Alice Bungisngis kung saan ka-love team siya ni Bea Binene. Bukod pa rito’y busy rin si Derrick sa iba pa niyang programa, ang Tween Hearts at Party Pilipinas kapag Sunday.

Pero makababawi nang husto ang bagets kay Sarah dahil magkasama sila sa concert nila sa Geneva, Switzerland. Kasama pa rin sa concert ang isa pang nali-link sa dalagang si Enzo Pineda.

Kung si Carlo ay sumusipot sa taping ni Sarah Lahbati, hindi rin pahuhuli ang drama ni Jake Vargas ngayon para kay Bea Binene. Aba, sumusunod naman si Jake kung saan nagti-taping si Bea ng isa pa niyang programa, ang Good News, na para naman sa GMA News TV Channel 11.

Di raw papipigil ngayon si Jake sa panunuyo kay Bea kahit pa madalas na silang magkita sa taping ng Alice Bungisngis kung saan pareho silang bida. Bale ka-love triangle nila si Derrick Monasterio.

Tulad ni Sarah, marami ring lalaking gusto umali-aligid kay Bea. Blooming na kasi ang beauty nito ngayon kahit siya’y 14 palang.

Sa Sunday mapanonood naman ang love team nina Bea at Jake sa Tween Hearts kung saan panibagong pagsubok ng pagmamahalan nilang dalawa ang matutunghayan. Si Derrick ay nababaling naman ang atensyon kay Kylie Padilla, ang una niyang ka-love team sa Tween Hearts.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply