CJ Corona dinikdik ni Leila de Lima

SUMALANG bilang unang testigo sa article 7 sa nagpapatuloy na impeachment trial laban kay CJ Renato Corona si Justice Secretary Leila de Lima kanina sa Senado.

Unang salang ni de Lima ay agad nitong tinalakay ang hinggil sa inilabas na watchlist order ng Department of Justice laban kina dating Pangulong Gloria at Unang Ginoo Mike Arroyo.

Naniniwala si de Lima na ginamit ni Corona ang mataas na kapangyarihan para paboran si dating Pangulong Arroyo at mister nito para makaalis ng bansa noon para sa kanyang alibi na magpapagamot sa ibang bansa sa kabila ng may kinakaharap pa itong mga kriminal na kaso.

Naniniwala rin si de Lima na personal na may kinalaman si Corona sa pag-iisyu sa TRO para makalabas ng bansa si GMA sa kabila ng watch list order na inisyu ng Department of Justice.

Ilang beses ding tinanong ni Presiding Judge Juan Ponce Enrile si de Lima para alamin kung ang nasabing TRO ay desisyon ba ng boung SC.

“There was no resolution coming from SC which was issued alone by [Corona] but if I may refer you to the disclosures of [Associate Justice Maria Lourdes Sereno], there is one or couple of points there worth looking into.”

Ani pa De Lima, sa botong 8-5 noong November 15, nagdesisyon ang mataas na korte na mag-isyu ng TRO sa inilabas na watch list DOJ laban sa mag-asawang Arroyo.

Matatandaan na sakay noon si GMA ng wheelchair nang dumating sa airport dala-dala ang TRO ng SC pero dahil sa utos ni de Lima,  ay hinarang sila ng immigration na noon ay patungo sana ng Singapore.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply