Clean air summit idadaos ng DOH

ISANG clean air summit ang nakatakdang idaos ng Department of Health (DOH) sa Miyerkules (Pebrero 29) upang maibsan ang lumalalang polusyon sa hangin sa Metro Manila.

Ito’y kasunod nang patuloy na pagdami ng bilang ng mga nagkakasakit dulot ng air pollution.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, ang nasabing pagtitipon ay tinatawag na “Usok Mo, Buhay Ko: Clean Air Summit for Metro Manila.”

Inaasahang bawat lalahok sa pagtitipon ay maglalatag ng kanilang mga solusyon kontra air pollution.

Kaugnay nito, nagbabala ang DOH sa publiko hinggil sa mga panganib na posibleng idulot ng napakaruming hangin sa Metro Manila sa kalusugan ng isang indibidwal.

Ayon kay Ona, ang polusyon sa hangin ang pangunahing dahilan ng pagkakasakit ng mga Pilipino, na posibleng mauwi sa pagkamatay.

Karamihan aniya sa mga sakit na ito ay ang allergic reactions, acute respiratory infections tulad ng pneumonia, acute bronchitis; chronic obstructive pulmonary disease, cardiovascular diseases, carcinogenesis, physical damage to lungs at pulmonary fibrosis.

Katuwang din ng DOH sa naturang summit ang Department of Environment and Natural Resources, Department of the Interior and Local Government, Department of Transportation and Communications, Metropolitan Manila Development Authority at Philippine Medical Association. Kyle Gatus

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply