Clippers pinagulong ang Wizards

KAHIT kinulang ng dalawang assists si Blake Griffin para sa kanyang triple-double game ay sapat na rin upang iahon ang Los Angeles Clippers laban sa Washington Wizards, 107-81 sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) resular season kanina.

Hindi na naglaro si Griffin sa fourth canto matapos kumana ng 21 puntos, 11 rebounds at walong assists upang manatiling nasa unahan ng Pacific division na may 14-7 win-loss slate.

Dismayado ang Clippers sa huling laban nila ng talunin sila ng Denver Nuggets.

Tumikada ng 9 of 11 sa field goal si Jordan na may 18 pts. at 11 bopards habang sumalpak ng 17 points at walong assists si Mo Williams upang ma-outrebound ng Clippers ang Washington, 53-32 at makalamang pa sa assists, 32-17.

“We all should have been embarrassed. We were on our home court—and they came out and did what they wanted,” malungkot na sabi ni Wizards starting five Rashard Lewis, tumikada lamang ng dalawang puntos.

“As a unit, none of us came to play tonight.”

Sina John Wall at Nick Young ay may tig-14 puntos para manguna sa opensa ng Wizards habang si bench player Jordan Crawford ay may 12 pts., at tig-dalawang rebounds at assists.

Sa ibang NBA resulta, sinilat ng Cleveland Cavaliers ang defending champions Dallas Mavericks, 91-88 habang ang leading team sa Western Conference na Oklahoma City Thunder ay yumuko sa San Antonio Spurs, 96-107.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply