Coco sugar ng Pilipinas lumalago

MAGIGING maganda ang kapalaran ng mga negosyante ng coco sugar dahil sa paglago nito sa merkado.

Ayon kay Philippine Coconut Authority Administrator Euclides Forbes, lumalago ang merkado ng coco sugar sa mga bansa sa Europa, sa Amerika at pati na sa Australia.

Dagdag pa nito, nagsimulang mag-export ang Pilipinas ng coco sugar noong 2005 at ngayon ay nakapag-e-export na ng 70 metriko tonelada kada buwan.

Batay sa ulat, ang presyo ng coco sugar sa farmgate ay nasa P200 kada kilo at naibebenta ng P600 hanggang P1,000 kada kilo.

Sinabi din ni Forbes na may ilang investors na siyang nakausap mula sa Australia at New Zealand hinggil sa pag-i-import ng coco sugar sa kani-kanilang lugar.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply