Collection sa school graduation bawal

MAHIGPIT na ipinag-utos ni Manila Mayor alfredo Lim ang pagbabawal sa pangongolekta ng anumang bayarin sa mga mag-aaral ng Public Elementary at High School na may kaugnayan sa graduation at high school o college proms.

Ipinatitiyak ng alkalde kay City Schools Superintendent Dr. Ponciano Menguito na walang magaganap na collection at paalalahanan ang school authorities kaugnay sa  kanyang “standing policy” na gawing matipid ang pagdiriwang ng mga nasabing okasyon at iwasan ang anumang anyo para gawing magarbo at magastos ang mga graduation.

Upang makatipid ang mga mag-aaral at kanilang magulang ay mabuti aniyang pagsuutin na lamang ng uniform ang mga estudyante sa kanilang graduation.

Ipatutupad ang ganitong uri ng polisiya sa kabila na ang ibang magulang ay nagpupumilit na gawing magarbo ang okasyon.

Paliwanag pa ng alkalde, ang magulang na walang sapat na pera na pangtustos sa kanilang mga anak ay maiinggit lamang sa ibang gustong magarbo ang pagtatapos kaya dapat aniyang maging pare-parehas ang pagdiriwang.

Nabatid na may 103 public Elementary at High Schools sa Maynila ang pinatatakbo ng lokal na pamahalaan na ang lahat ay nagpapatupad ng “zero tuition policy.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply