Comelec naglatag ng deadline sa partylist group

MAY hanggang katapusan na lamang ng Mayo, 2012 ang mga partylist group upang maghain ng manifestation of intent kung nais ng mga ito na makahalok sa May 2013 midterm elections.

Ito ay batay sa resolusyong inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) en banc kamakailan.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., nakasaad sa naturang resolusyon na kinakailangang maisumite ng mga partylist group ang manifestation of intent bago magkatapusan ng Mayo ng taong ito.

Kinakailangan din umano na ilagay ng malinaw ang listahan ng kanilang limang nominado sa naturang dokumento.

Nabatid na kabilang din sa pinagsusumite ng manifesto ay ang mga partylist group na hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin ang kanilang accreditation dahil sa kabiguang makapagbigay ng kanilang plataporma.

Nagbabala pa si Brillantes na sinumang grupo na mabibigong makapagparehistro sa loob ng nasabing panahon ay hindi papayagang makilahok sa susunod na halalan. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply