Term sharing sa party-lists bawal – Comelec

UPANG maiwasang makaupo sa congressional post ang isang hindi kuwalipikadong kandidato o yaong hindi tunay na kumakatawan sa marginalized sectors ay mahigpit nang ipinagbabawal ng Commission on Elections (Comelec) ang term-sharing o pagpapalit ng party-list nominees.

Sa isang resolusyon, sinabi ng Comelec na ipinagbabawal na nila ang pagbibitiw ng isang party-list representative upang magkaroon ng term-sharing o mapagbigyan ang isa pang nominado na makaupo sa puwesto.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, sa ilalim ng bagong panuntunan, tanging ang pagkamatay lamang o diskuwalipikasyon ng party-list representative ang ikukonsidera nilang rasonableng batayan para magpalit ng kinatawan sa Kamara.

Sa kabila nito, kinakailangan pa ring magsumite ang party-list groups ng limang pangalan bilang kanilang nominado bago ang halalan, na may ranking na mula first hanggang fifth.

Nabatid na inilabas ng Comelec ang resolusyon matapos maobserbahang ilang party-list representatives ang nagre-resign sa puwesto sa kalagitnaan ng kanilang termino upang bigyan ng pagkakataon ang kasunod nitong nominado na makaupo sa puwesto.

Kinakailangang makakuha ng dalawang porsiyento ng kabuuang boto sa halalan ang isang party-list group upang makakuha ng puwesto sa kamara.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply