Conjugal room itatayo sa evac center sa CDO

DAHIL sa mga reklamong natatanggap mula sa mga mag-asawa na namamalagi sa evacuation centers na umiinit ang ulo dahil nadi-dyate sa “love making,” ipatatayo ng punong barangay ang conjugal room para sa mga mag-asawa sa mga evacuation center.

Ang conjugal room ay isa sa plano ng ni Kapitan Rolando “Klarex” Uy sa Barangay Carmen sa Cagayan De Oro City matapos silang makatanggap ng reklamo mula mga mag-asawa na nahihirapan na silang “mag-love making”  dahil sa kanilang kalagayan na walang pribadong lugar.

Kaugnay nito, nababahala rin ang mga social workers dahil maraming mga bata ang makakakita kung sakali sa “love-making” ng mag-aasawa sa mga evacuation center.

Bilang tugon ng barangay council, idudulog niya sa konseho ng lungsod ang naturang mga hinaing para mabigyan ng solusyon ang nasabing problema ng mga mag-asawa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply